Mga bagong kaso ng COVID-19, nasa 1,169 ngayong araw

Share this information:

Sa araw na ito, pumalo sa 1,169 ang nadagdag na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa kabuuan, umabot na sa 519, 575 ang mga may sakit ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling tala ng DOH para sa araw na ito.

Sa kabila nito, patuloy din namang nadadagdaan ang bilang ng mga gumagaling sa sakit kung saan mayroong  nadagdag na 60 dahilan para umabot na sa 475,596 ang naiuulat na gumagaling sa sakit na ito.

Nasa 71 naman ang bagong mga pumanaw kaya umakyat na sa kabuuang 10,552 ang namamatay sa COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman o yung mga patuloy na nagpapagaling sa mga COVID-19 facility ay  muling umakyat sa 33,427.

Bahagya namang bumaba ang mga naitatalang mga kaso sa ilang mga probinsiya o syudad sa bansa kung saan ang Quezon City ay nakapagtala ngayong araw ng 57 kaso lamang.

Ang Isabela naman ay 54 na kaso, at tig 42 kaso naman  sa Manila, Davao City at Rizal.

Kaugnay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy namang nagpapaalala ang DOH  sa publiko na iwasang mangamba  sa pagkakaroon ng mga bagong uri, variant o mutation ng  COVID-19 at panatilihin lamang ang tamang pagsunod sa minimum health standards upang makaiwas sa hawaan o pagkakasakit ng nakamamatay na virus.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PDU30 issuing EO for commodity price cap

Thu Jan 28 , 2021
TAKING cue from public outrage over skyrocketing prices of meat products, Malacañang hinted at an imminent price cap that will curb the runaway costs of these products, particularly chicken and pork. No less than presidential spokesperson Harry Roque made the confirmation that President Rodrigo Duterte would soon be issuing an […]

Follow Us

%d bloggers like this: