Mga bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Balanga City sa Bataan

Inihayag ng Balanga City Health Office (CHO) sa pinaka-huling ulat nito na may 81 bagong mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, kung saan ang 77 ay Persons Deprived of Liberty (PDL) o mga bilanggo, na dinala na sa loob ng isang pasilidad sa Barangay Tenejero at ang 4 na iba pa ay sa iba’t ibang barangay ng Balanga City.

Ang mga nagpositibo ay sina 32 taong gulang/ Babae/ Bagong Silang (COB 706); 60 taong gulang/ Babae/Doña Francisca (COB 707); 50 taong gulang/ Babae/ San Jose (COB 708); 41 taong gulang/ Babae/ San Jose (COB 709); at 77 Person’s Deprived of Liberty (COB 710-786).

Samantala, dalawa naman ang mga bagong nakarecover sa sakit ng COVID-19. Sila ay sina 12 taong gulang/ Lalaki/ Tenejero (COB 643); 15 taong gulang/ Babae/ Bagong Silang (COB 644). 

Sa ngayon, ayon pa sa CHO report, umabot na sa 152 ang active cases ng COVID-19 sa Balanga City.

Ang kabuuang bilang ng nagpositibo ay nasa 786, nasa 619 naman ang naka-recover o gumaling at 15 ang pumanaw na. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.