Metro Manila Council, magpupulong bukas patungkol sa qurantine status sa NCR

Share this information:

PAG-UUSAPAN bukas ng Metro Manila Council kung pupuwede nang maisailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang National Capital Region sa gitna pa ring COVID-19 pandemic.

Ayon kay Parañaque mayor at MMC chairman Edwin Olivarez, kailangan munang malaki ang maging pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR bago paluwagin pa ang quarantine status mula sa kasalukuyang nasa general community quarantine (GCQ).

Maliban sa COVID-19 cases, aalamin din ng mga alkalde kung ano ang maaaring maging epekto ng UK variant ng coronavirus at ang prevention measures na dapat ipatupad sakaling mapagkasunduan na luwagan ang community quarantine.

“Isa po ‘yan sa pag-uusapan po natin sa meeting by tomorrow night. Titingnan po natin ‘yung ating UK variant na ito if it will affect our metropolis at kung ano ‘yung mga prevention natin na gagawin bago tayo mag-MGCQ,” ayon kay Olivarez.

Sinabi pa ni Olivaez na maaaring matalakay din ang rekomendasyon na luwagan ang age restrictions lalo na ngayong may bagong variant at wala pang COVID-19 vaccines.

Lumabas aniya sa kanilang naging pagpupulong nuong nakaraan na halos lahat ng Metro mayors ay hindi sang-ayon na luwagan ang age bracket na papayagang lumabas lalo na ang mga bata na itinuturing na super spreader.

“Halos lahat po kami, hindi po sumasang-ayon in relaxing this age bracket… Despite of that, humingi pa rin po kami ng recommendation, comment, advice ng ating medical expert katulad ng pediatrics, tinatawag na mga consultant at doon po sa kanilang ibinigay di po talaga advisable na ibaba po ‘yung ating age bracket,” dagdag nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.