Ibinihagi ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga (kaliwa sa larawan) ang kaniyang kaalaman sa kahalagahan ng epektibo at makabuluhang komunikasyon sa mga guro at mananaliksik ng De La Salle University – The Jesse M. Robredo Institute of Governance nitong Setyembre 24, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng “Communicating with Clarity and Confidence: A Media Relations Workshop for Academics”—isang 2-araw na pagsasanay na naglalayong mapaghusay pa ang kakayanan ng mga guro sa larangan ng pampublikong komunikasyon. Kasama ni Zaldarriaga sa larawan si Prof. Ador R. Torneo, Director ng of La Salle Institute of Governance.
Ang Meralco ang pinakamalaking kumpanyang naghahatid ng kuryente at pinakamalaking private sector utility sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng isang Consolidated Certificate of Public Convenience and Necessity, nakakapaghatid ang Meralco ng kuryente sa mga lugar na sakop ng prangkisa nito. Ang mga subsidiary naman ng Meralco ay naglilingkod sa pamamagitan ng engineering at consulting, konstruksyon, bills payments, at iba pang may kaugnayan sa serbisyo ng kuryente. May subsidiary
din ang Meralco na bahagi ng pagbuo ng power generation portfolio nito.
Pinapahalagahan ng Meralco ang data privacy. Upang malaman kung paano nito pinoprotektahan ang mga pribadong
impormasyon, magtungo lamang sa https://company.meralco.com.ph/privacy-statement.

