Mekaniko, pinagsasaksak ng kainuman, kritikal

Share this information:

NASA kritikal na kalagayan ang isang 39-anyos na mekaniko matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman bunsod ng isang mainitang pagtatalo sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, isinugod ng kanyang live-in partner sa Tondo Medical Center si Aljohn Cabangbang ng 417 Kalatog Pinggan St. Brgy. NBBN.

Si Cabangbang ay patuloy na inoobserbahan sanhi ng tinamong saksak sa tiyan at likod.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Pochi Capuz, sinasabing roommate ng biktima, na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.

Lumabas sa imbestigasyon na bago naganap ang insidente ay nag-iinuman ang biktima at ang suspek, kasama ang kanilang kaibigan na si alyas “Eric” sa loob ng kanilang bahay hanggang sa abutin sila ng madaling araw.

Dakong alas-4 ng madaling araw nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Cabangbang at Capuz hinggil sa dati umano nilang alitan.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, naglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak sa katawan ang biktima bago mabilis na tumakas dala ang ginamit na patalim.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Control facility for fresh, frozen agri-fishery products to rise in Subic

Sat Nov 27 , 2021
SBMA, DA sign MOA for P509-M agri border control facility in Subic SUBIC BAY FREEPORT – A Memorandum of Agreement (MOA) was signed recently that will push for the building of a control facility for fresh and frozen agri-fishery commodities entering the country through this freeport The proposed Cold Examination […]
%d bloggers like this: