Media Welfare Act, lumusot na sa ikalawang pagbasa sa Kongreso

Share this information:

Anumang araw ay iaakyat na sa plenaryo ng House of Representatives ang House Bill number 2476 o ang Enhanced Protection, Security and Benefits for Media Workers Act.

Ito ay matapos makalusot sa Committee on Labor and Employment ang panukala na layong palakasin ang fourth estate ng bansa at tiyakin na naibibigay ng mga media companies and networks ang tamang kompensasyon at benepisyo sa mga media workers.

Kasama sa mga benepisyo ng panukala ni ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran ang tamang sahod, security of tenure, hazard at overtime pay, insurance at iba pang benepisyo para sa mga media practitioners.

Sa ilalim nito, ang mga miyembro ng media na aatasan na mag-cover sa dangerous at hazardous events o situations ay bibigyan ng karagdagang ₱500 arawang sahod.

Magkakaroon din ng ₱200,000 death and disability benefits ang apektadong mamamahayag.

Bibigyan din ng mga protective equipment ang mga media workers tulad ng bullet proof vests at helmets gayundin ang medical grade personal protective equipment sa tuwing magcocover sa mga hazardous areas.

Bubuo rin ng Media Tripartite Council na siyang titiyak na nasusunod ang pagbibigay proteksyon sa mga taga media.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.