INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation ang isang indibidwal sa San Fernando, Pampanga dahil sa paggamit nito ng mga palsipikadong tseke.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC)- Director Eric Distor ang naaresto na si Eloisa Mendoza, medical representative ng Genace Pharma Distributor.
Nag-ugat ang pagkaka-aresto sa suspek sa reklamo ng may-ari ng tseke kung saan binalak ni Mendoza na gamitin ang nakaw/palsipikadong tseke bilang bayad sa Genace Pharma Distributor na nagkakahalaga ng P417,471.

Ikinasa ang entrapment operation sa loob ng isang fast food center sa Brgy. Dolores sa San Fernando, Pampanga matapos itong makipagtransaksyon sa Genace.
Kinasuhan ng “Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes and Other Instruments of Credit under Article 168, in relation to Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents “ ang suspek.
(Photo Credit: NBI)

