Edad 15 hanggang 17, puwedeng lumabas para sa national ID

Share this information:

Papayagang lumabas ng pamahalaan ng kanilang bahay ang mga Pinoy na edad 15 hanggang 17 anyos, gayundin ang mga 65-taong gulang pataas upang makalahok at makapagparehistro sa Philippine national ID program.

Paglilinaw naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaari lamang lumabas ang mga ito para sa pagpaparehistro sa national ID at hindi para sa iba pang aktibidad.

Matatandaang una nang pinagbawalan ng pamahalaan ang mga menor de edad at mga matatanda na lumabas ng kanilang mga tahanan dahil vulnerable sila sa COVID-19.

Lalabas lang po ang mga edad na ito para sa pagpaparehistro para sa Philippine ID system and not for any reason,” ayon pa kay Vergeire, sa isang online press briefing.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay inilunsad na ng pamahalaan ang online registration system para sa national ID program.

Gayunman, nagkaroon ng problemang teknikal ang proseso matapos na dagsain ng 46,000 users na nagnanais na maka-access sa website, ilang minuto pa lamang matapos itong magbukas.

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagtala ng 70 milyong national ID registrants bago matapos ang 2021

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.