MECQ sa Quezon City, pinabulaanan

PINABULAANAN ngayon ng local na pamahalaan ng Quezon City ang umanoy pagsasailalim muli sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang lungsod.

Sa panayam ng frontpageph.com kay Ginoong Engelbert Apostol, hepe ng Public Affairs and Information Services Department, itinanggi mismo ni Mayor Joy Belmonte ang lumabas na ulat kaugnay sa lockdown sa lungsod na maguumpisa ngayong araw ng Lunes, December 21, 2020 hanggang Enero 6, 2021.

“Wala pong katotohanan ang kumalat na balita na isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Quezon City kaya nagkaroon ng checkpoints sa mga daanan papasok o palabas ng lungsod,” pahayag ng City Government.

Ayon kay Apostol batay sa pakikipag ugnayan nila kay Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. General Danilo Macerin, ang nangyaring biglaang paglalatag ng checkpoints sa mga boundaries ay bahagi lamang umano sa pagpapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) protocols dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod at inaasahan pa umano na tataas pa ngayong holiday season.

“Nasa ilalim po ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at anumang pagbabago rito ay magmumula lamang sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF). Salamat po sa inyong pang-unawa at manatili tayong sumusunod sa minimum health standards,” dagdag pa sa inilabas na pahayag.

Una ng naglabas ng resolusyon ang Quezon City government matapos maisabatas na ng tuluyan ang city ordinance nito ang pagbabawal sa mga menor de edad at senior citizen na gumala gala sa lansangan dahil na rin sa lumalaking bilang ng mga nahahawa sa nakamamatay na sakit

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.