Mayorya ng mga pinoy, nagsabing sila ay mahirap – SWS

Share this information:

NAKARARAMING Pilipino ang nagsabi na sila ay mahirap o halos naghihirap na sa gitna ng nararanasan pa ring pandemya.

Batay sa resulta ng Second Quarter 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS), tinatayang 48% o tinatayang 12 milyong mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap.

Sa nasabing bilang, 1.8 milyong pamilya ang nagsabing “bago pa lamang silang naghihirap,” nasa 1 milyon ang nagsabing “minsan sila ay naghihirap” at 9.1 milyon ang nagsabing “palagi silang naghihirap.”

Nasa 29% naman ng mga Pilipino ang nagsabing sila ay nasa borderline o halos naghihirap na.

Tinatayang 23% naman ng mga sumagot sa survey ang nagsabing sila ay hindi mahirap. Pinakamarami o 70% ng mga nagsabing sila ay mahirap ay mula sa Visayas, sumunod ang Mindanao na may 51% habang 43% sa Metro Manila at 38% sa Luzon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.