PUMANAW si Famy, Laguna Mayor Edwin Pangilinan matapos tamaan ng nakamamatay na sakit na COVID-19 infections sa edad na 53.
Kinumpirma ito ng Local Government ng munisipalidad.
Binawian ng buhay ang alkalde araw ng Linggo, Marso 28.
Batay sa pahayag, si Pangilinan ay dinala sa pagamutan noong Marso 15 matapos makaranas ng hirap sa paghinga.
Noong araw din na iyon ay lumabas ang resulta ng kanyang swab test kung saan nag-positibo ito sa naturang sakit.
Napag-alaman na namatay din ang ina ng alkalde sa edad 76 sa Lucena City matapos dumaing ng hirap sa paghinga sanhi ng nasabing sakit.
Bumuhos ang pakikiramay at pakikidalamhati ng netizens maging ilang kalapit lugar sa kanyang pagkamatay.