Mayor Isko hinikayat ang mga Manilenyo na magtiwala sa COVID-19 vaccine

HINIKAYAT ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko lalo na ang mga Manilenyo na magtiwala sa vaccination program ng gobyerno.

Sa nalalapit na pagdating ng mga bakuna sa bansa, naglatag naman ng mga pamamaraan at mga kagamitan ang pamahalaang l;ungsod ng Maynila para sa libreng Covid-19 vaccine  para sa nais magpabakunana taga Maynila.

Matatandaan na una na ring inilunsad ng pamahalaang lungsod ang “online pre-registration” sa mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19, kung saan nasa kabuuang bilang na 79,003 na ang nakapagpalista sa www.manilacovid19vaccine.com.

Ito ay inilunsad sa pamamagitan ng Manila Health Department (MHD) ang online registration upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami ng nais magpabakuna kontra COVID-19.

Upang maibalik naman ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna ay handa naman aniya itong  unang magpabakuna  upang sakaling magkaroon ng adverse effects o panganib sa kalusogan  ay siya muna ang makararanas nito  bago ang publiko.

Bukod dito, handa na din aniya ang storage facility at refrigeration units na pag-iimbakan ng mga darating na COVID-19 vaccine.

Ang paghahanda at pagsasagawa ng simulation exercises sa pagbabakuna ay tuloy-tuloy din upang agad na mapaghandaan ang posibleng makaharap na indulto o problema sa oras na simulan na ang vaccination program ng pamahalaan

Samantala, umabot na sa 654 ang sumalang sa isinasagawang libreng swab test ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa Quirino Grandstand kung saan walo sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.

Ang mga nag-negatibo naman na nais makakuha ng kopya sa resulta ng kanilang swab test ay maaaring magtungo sa MHD para magamit nila ito lalo na sa pagpasok sa trabaho.

Bukod dito, nasa 1,875 naman ang sumalang sa ikinasang balik-Maynila swab test ng lokal na pamahalaan at dalawampu sa kanila ay positibo sa nabanggit na sakit.

Dahil dito, gumagawa na ng paraan ang Manila LGU na mabigyan ng atensyong medikal ang mga nagpositibo para hindi mahawa ang pamilya, kaibigan at katrabaho ng mga ito. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.