Breaking News

Share this information:

MARIING itinanggi ni Manila Mayor Francisco Domagoso na siya ay “secret candidate” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Domagoso, siya ay tatakbo sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, kung saan siya ang kasalukuyang party president.

‘Kami ay kandidato ng Aksyon Demokratiko, na nag apply sa tao bilang inyong Pangulo, ang inyong lingkod, at bilang Pangalawang Pangulo, at sampu sa aming mga kasamahang senador, at mga konsehal, governor, congressman, vice mayor, mayor at mga board member,” pahayag ni Domagoso.

Dagdag nito, posibleng naka droga ang sinumang nagpapakalat ng fake news na siya ay secret candidate ni Duterte.

Si Domagoso ay nakatakdang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre 4.

Makaka-tandem niya ang doctor vlogger na si Doc Willie Ong, na minsan na ring tumakbo sa pagka senador noong 2016 elections.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: