Breaking News

Share this information:

LUMAGDA ng isang kasunduan ang pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa pagpapalakas sa edukasyon at pagsasanay.  

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno at TESDA Sec. Isidro Lapeña ang paglagda sa memorandum of agreement (MOA) para sa tripartite partnership ng TESDA, Universidad de Manila (UDM) at ng Public Employment Service Office (PESO) na pinamumunuan ni Dir. Fernan Bermejo ng Manila.

Binigyang-diin ng alkalde na nagdulot ng pagkawala ng maraming trabaho ang kinakaharap na pandemya kaya naman handa ang pamahalaang lokal na tumugon at mga Manilenyong may kasanayan na magkaroon ng maayos na trabaho sa pamamagitan ng TESDA.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, maglalaan ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila, sa pamamagitan ng UDM, ng tatlong malalaking kwarto upang gawing opisina ng TESDA-Manila.

Manila City’s PESO will help tech-voc graduates to find employment. The agency is also set to conduct Community-Based Training for Enterprise Development (CBTED) for unskilled residents and provide trainer development programs for UDM’s technical and vocational education and training (TVET) trainers,” saad sa kasunduan ng TESDA at ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Lapeña na ang paglipat ng TESDA-Manila office sa UDM Annex ay mas naaangkop at accessible umano sa mga residente ng lungsod.

As TESDA-Manila moves to UDM Annex, we shall be able to reach out to aspiring college students and encourage them to avail higher technical and vocational education as an alternative to a college degree,” saad ni Lapeña.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: