Breaking News

Share this information:

DIRETSO sa mainit na kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang 18-anyos na bebot matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na si Mary Berjolle Vicente, 18 anyos, taga Dulong Hernandez, Purok 6, at Joshua Escote, 25 anyos, ng Sitio 6, kapwa ng Brgy. Catmon.

Ayon kay PMSgt. Randy Billedo, dakong alas-6 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Amadeo Tayag kontra sa mga suspek sa P. Aquino St. Brgy. Tugatog.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 4.10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price ng P27,880 at buy bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Malabon City Prosecutors Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: