May banta pa din ng dengue kahit sa panahon ng tag-init, babala ng DOH

NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga lamok na naghahatid ng dengue kahit sa panahon ng tag-init.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, inaakala ng marami na tuwing rainy season lamang ang dengue ngunit hindi aniya ito ang kaso sa bansa tuwing dry season.

Ang dengue po dito sa Pilipinas ay endemic. Ibig sabihin, whatever type of season or month, ay nangyayari ang dengue sa bansa,” saad ni Vergeire.

Ilan lamang aniya sa mga sanhi ng dengue ay dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig kung saan marami ang nag-iipon ng tubig sa mga timba at palanggana.

Ayon kay Vergeire, sa mga stagnant na tubig, malinis at madilim na mga lugar nangingitlog ang lamok.

Kailangan takpan ng lahat ng sisidlan ng tubig  para maiwasan ang mga lamok ay magmultiply at magkaroon sa ating kabahayan,” payo ng opisyal.

Sa datos ng DOH mula Enero 1 hanggang Marso 18, nakapagtala na ang bansa ng 27,670 kaso ng dengue.  Mas mataas ito ng 94 percent kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa parehong mga buwan na umabot sa 14,278.

Karamihan sa mga bagong naitalang kaso ay sa National Capital Region (3,898), Central Luzon (3,053), at Davao Region (2,707).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.