Marcoleta at Defensor mahaharap sa kasong kriminal sa pamumudmod ng Ivermectin – DOJ

MAAARING maharap sa kasong kriminal sina Sagip Partylist Representative Rodante Marcoleta at Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor dahil sa pamumudmod ng “ivermectin” na sinasabing gamot kontra COVID-19 sa Quezon City.

Partikular na kasong posibleng maihain laban sa dalawang kongresista ay ang paglabag sa Republic Act No. 9711 o ang Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009 dahil sa pamamahagi ng naturang gamot sa publiko na hindi pa aprubado ng ahensya.

This is not registered particularly as drug for COVID-19 and, going by the FDA law, on its face, it would appear that the distribution of ivermectin as possible treatment for COVID-19 violates the FDA law,” pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ang pahayag ni Guevarra ay kasunod ng ginawang pamamahagi nina Marcoleta at Defensor ng naturang anti-parasitic drug na para lamang sa hayop sa may 200 indibidwal sa Barangay Old Balara nitong araw ng Huwebes, Abril 29, 2021.

Paniniwala ng dalawang kongresista ay makakatulong ang kanilang hakbang para masugpo ang COVID-19 infections.

Pero nakuwestiyon din ang mga doktor sa pag-aabot nila ng preskripsyon sa kapirasong papel sa mga kumukuha ng gamot dahil walang nakalagay na pangalan at license number doon.

Isa ang Barangay Old Balara sa lungsod Quezon na may mataas na bilang na kaso ng COVID-19 na nasa mahigit 8,500.

Ginawa ito ng dalawang kongresista sa kabila ng paulit-ulit na babala mula sa health officials na ang ivermectin ay walang solidong ebidensya na ito ay mabisa kontra sa virus infections.

Una ng nagbigay babala ang DOH na ang pamamahagi sa publiko ng nasabing gamot ay paglabag sa batas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.