Manila Police na may COVID-19, 77 na

Share this information:

UMAKYAT pa sa 77 ang kabuuang bilang ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay  MPD chief Police Brig. Gen. Leo Francisco, karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa sakit ay mula sa MPD Station 11 sa Binondo o umabot ng 59 na kaso.

Sa ngayon ay nananatiling naka-lockdown ang istasyon bagamat mayroon lamang na isa hanggang dalawang pulis na nagbabantay.

Ilan sa mga tinamaan ng sakit ay nasa Delpan quarantine facility kung saan sila nagpapagaling.

Ang ibang mga pulis lalo na ang closed contacts ng mga positibong kaso, o may sintomas ay isinasalang na rin sa swab test.

Sa MPD headquarters, halos araw-araw na nagsasagawa ng fogging/disinfection, na isa sa precautionary measures kontra COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.