Manila LGU, nakamit ang “Good Financial Housekeeping” ng DILG

Share this information:

Makalipas ang sampung taon ay napasakamay na rin ng Local Government Unit ng Maynila ang “Good Financial Housekeeping recognition” ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa DILG Manila Field Office, ito ang kauna-unahang pagbibigay recognition o pagkilala na natanggap ng Manila City Government simula nang umpisahan ng national agency ang pag-assess sa financial housekeeping efforts ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa, may 10-taon na ang nakalilipas.

“Unang beses nating makuha ito sa buong kasaysayan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Last time, I already said that I will not tolerate a dismal performance from the City Government under my watch. We will always aim to do better for the Manileños,” ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

Sinabi ng alkalde na ang pagkilala mula sa DILG ay nagpapakita na napatunayan ng Manila City government ang pagiging financially transparent nito at naging matalino sila sa paggastos ng kanilang pondo.

Of course, we won’t stop here. We’ll continue to ensure that our local government funds will be used to provide more services to our constituents. Dapat lang na mapunta ito sa pagpapaunlad ng healthcare facilities, pagpapataas ng kalidad ng nutrisyon ng mga Batang Maynila at sa pagtatatag ng iba pang mga pasilidad para sa pakinabang ng lahat,” dagdag pa ni Moreno.

Nabatid na ang Good Financial Housekeeping Award ay isa sa pamantayan sa local government unit para makakuha ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa DILG.

Ang SGLG ay isang award, incentive, honor at recognition-based program para sa lahat ng LGUs, at nagpapatuloy na commitment para sa LGUs upang patuloy na maisulong at pagbutihin ang kanilang pagganap.

Bago ipagkaloob ang SGLG, nagsasagawa muna ng ebalwasyon sa local governance sa Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness at sa Tourism, Culture and Arts.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.