Manhunt sa illegal loggers na umatake sa pulisya sa Cagayan, ini-utos ng PNP Chief

Share this information:

INIUTOS na ni Philippine National Police Chief Debold Sinas ang manhunt o pagtutugis sa mga pinaniniwalaang illegal logger na umatake sa pulisya sa Cagayan.

Una nang naglunsad ng operasyon ang isang team ng mga pulis laban sa illegal logging sa Cagayan nang sila ay paputukan ng mga armadong lalaki nuong Huwebes ng gabi.

Isa sa mga pulis ang nasugatan.

Sa kabila ng pag-atake, tiniyak ni Sinas ang paglulunsad ng mas agresibong mga operasyon laban sa illegal activities.

Nadakip na ang isa sa mga suspek na natukoy na si Ernest Sibbaluca at patuloy na iniimbestigahan sa posibleng kasong direct assault at frustrated murder.

“More aggressive police operations will continue against illegal logging activities on orders of President Rodrigo R Duterte despite this temporary setback,” ayon kay Sinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.