Mangingisda na nang-rape ng 3-anyos na babaeng pamangkin, arestado

Share this information:

ARESTADO sa follow up operation ng pulisya ang 24-taong gulang na lalaki dahil umano sa panghahalay sa kanyang sariling 3-anyos na babaeng pamangkin sa bayan ng Subic, Zambales.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Anti Child Abuse Law) ang suspek na nakilalang si Arman Magadia, mangingisda ng Barangay Calapandayan sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Subic Municipal Police station, nangyari ang insidente bandang alas 7:30 ng gabi ng Miyerkules, (March 3) sa loob ng kuwarto ng batang biktima nang pasukin umano ng suspek at halayin nito.

Nabatid na isinagawa ang rape habang nasa labas lamang ng bahay ang nanay ng biktima kung saan nang bumalik at buksan ang kanilang kuwarto ay dito inabutan ang suspek na itinataas umano nito ang panty ng anak saka nagmamadaling tumakas.

Tinanong umano ng nanay ang kanyang anak sa pangyayari at dito na nagkuwento ang bata kaugnay sa ginawang kahalayan ng suspek.

Kaagad namang humingi ng tulong ang nanay ng biktima sa barangay at pulisya at magdamag nilang hinanap ang suspek na kalaunan ay nagtatago lang pala sa likod-bahay ng mga biktima.

Napag-alaman sa report na ang suspek ay nakikitira lamang sa bahay ng nakatatandang kapatid na ina ng kanyang biniktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.