Breaking News

Share this information:

NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro na naramdaman sa ilang bahagi ng lalawigan gayundin sa Batangas at Quezon City.

Ayon sa PHIVOLCS, dakong alas-12:43 ng madaling araw nang maitala ang pagyanig na may lalim na 25-kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Intensity 4 sa Mamburao, Abra de Ilog, at Paluan, sa Occidental Mindoro; at sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Naramdaman din ang Intensity III sa Mabini, Malvar, at Tingloy, Batangas habang Intensity II sa Bauan, Batangas; Tagaytay City; at Quezon City samantalang Intensity I ang naitala sa Talisay, Batangas.

Hindi na inaasahan na magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol bagamat nakapagtala na ng ilang aftershocks.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: