Malta, itinurong hotspot umano pagdating sa “human trafficking”

IBINUNYAG ng Bureau of Immigration (BI) na nananatiling hotspot o sentro ang bansang Malta pagdating sa “human trafficking” matapos masabat ng ahensiya ang dalawang biktima na patungo sana sa naturang bansa sa Mediterranean.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nagpanggap na magkaibigan ang dalawa na bibiyahe bilang mga turista sa Bangkok nitong Abril 29 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Idineklara ng dalawa na tatagal ang kanilang bakasyon ng apat na araw at nagpakita ng patunay na may trabaho sila sa dental clinics na babalikan dito sa Pilipinas.

Sa ikalawang inspeksyon, inamin ng dalawang babae na sa Malta ang pinal nilang destinasyon at kaaabot lang sa kanila ang kanilang mga iprinisintang dokumento sa labas ng airport.

Bago sila makalabas ng Pilipinas, hindi batid ng dalawa na kanselado na ang kanilang  “employment visas” sa Malta.

We call on the public to exercise caution in dealing with recruiters. Several investigations have shown exploitation of domestic and foreign victims in the Mediterranean, and this has long been a cause of concern,” panawagan ni Tansingco.

Nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang dalawang biktima para sa dagdag na imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa kanilang mga recruiter.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.