SIMULA na bukas, Setyembre 9 ang pagpapatupad ng malawakang balasahan sa Philippine National Police (PNP).
Apektado ng reorganisasyon ang dalawampung senior officials ng PNP kabilang ang two- star at one-star Generals at Police Colonels.
Isa sa mga nalipat ng posisyon ay ang tagapagsalita ng PNP na si Brigadier General Bernard Banac na itinalaga bilang hepe ng PNP Training Service. Ang pumalit kay Banac ay si Police Colonel Ysmael Yu bilang acting PIO Chief na uupo simula ngayon.
Samantala, itinalaga si Major General Marni Marcos Jr. bilang Director for Investigation and Detective Management epektibo sa Setyembre 10.
Si Major General Celso Pestano ay naman ay uupo bilang Director ng Directorate for Information and Communications Technology Management habang si Police Brigadier General Pascual Munoz Jr. ay itinalaga bilang Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA.
Si Police Brigadier General Jonnel Estomo ay itinalaga bilang Regional Director ng Police Regional Office 7 at Police Brigadier General Joseph Ulysses Gohel bilang Director ng PNP Anti-Kidnapping Group.
Ang iba naman sa mga naapektuhan ng balasahan ay ang mga opisyal sa Criminal Investigation and Detection Group, Intelligence Service, Logistics at iba pang tanggapan ng pambansang pulisya.
Kabilang sa kanila sina Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr. itinalaga bilang Deputy Director for Intelligence; Police Brigadier General Edgar Monsalve bilang Director, Intelligence Group; Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro bilang Acting Director for Integrated Police Operations, Southern Luzon; Police Brigadier General Danilo Macerin bilang Executive Officer, Directorate for Operation; Police Brigadier General Sterling Raymund Blanco bilang Deputy Director for Administration, Criminal Investigation and Detection Group; Police Brigadier General Rhoderick Armamento bilang Director ng Center for Police Strategy Management; Police Brigadier General Alex Sintin bilang Acting Director, National Police Training Institute at Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Director for Logistic Support Service.