Mahigit walong libong mga pasahero, namonitor ng PCG sa mga pantalan sa bansa

Share this information:

AABOT sa mahigit walong libo na mga “outbound” at “inbound” na mga pasahero ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Ang mga pasaherong ito ay yaong mga uuwi sa mga lalawigan ngayong Undas at yaong mga magbabakasyon ngayong long weekend.

Nagpakalat din ang PCG ng sapat na bilang ng mga tauhan nito sa lahat ng pantalan na sakop ng labing limang PCG districts at. nainspeksiyon ang 158 mga barko at motorized banca.

Naka heightened alert pa din ang PCG hanggang Nobyembre 4 para bantayan at i-monitor ang pagdating ng mga pasahero sa mga pantalan para mag-tungo sa kani-kanilang mga lalawigan.

Patuloy na nananawagan ang PCG sa publiko at sa mga sasakay ng mga barko na alamin ang mga umiiral na ordinansa ng mga local government unit (LGU) sa kani-kanilang mga pupuntahang lugar.

Maaari din makipag-ugnayan ang publiko sa official Facebook page ng PCG o tumawag sa PCG Public Affairs sa cellphone number 0927-560-7729 para sa mga katanungan, klaripikasyon ukol sa mga sea travel protocols at iba pang mga regulasyon ngayong Undas 2021.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.