Mahigit 5-libong bagong kaso ng COVID-19, muling naitala ngayong araw

Share this information:

Muling nakapagtala ng mahigit sa limang libong bagong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng Huwebes, Marso 18.

Sa pinakahuling update  ng DOH, pumalo sa 5,290 ang bilang ng mga bagong kaso na nadagdag dahilan para umabot na sa 640,984 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabila nito, nakapagtala naman ng 439 recoveries kaya ang bilang na ng gumagaling sa sakit ay nasa 561,530.

Nasa 12,887 naman ang kabuuang bilang ng mga namamatay sa sakit matapos na madagdagan pa ng 21.

Ang aktibong kaso naman ay umnakyat na sa 66,567.

Samantala, nagbigay paalala muli ang DOH sa lahat na umaabot sa dalawang linggo mula sa ikalawang dose ng bakuna ng COVID-19 upang magkaroon ng  kumpletong proteksyon  laban sa malubhang  sakit dulot ng COVID-19.

Huwag ding magpakampante kahit na maturukan na ng bakuna o unang dose dahil maaari pa ring tamaan ng sakit. Ayon sa DOH, kailangan pa rin ang masidhing pag-iingat at pagsunod sa wastong minimum public health standards (MPHS).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.