IBINUNYAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mahigit sa tatlumpung lalawigan sa bansa na prayoridad ng Philippine Identification System (PhilSys).
Tinukoy ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya ang mga uunahing lalawigan kabilang ang mga sumusunod:
- Region I – Ilocos Sur, La Union, Pangasinan
- Region II – Cagayan, Isabela
- Region III – Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales
- Region IV-A – Batangas, Cavite, Laguna, Rizal
- Region V – Albay, Camarines Sur, Masbate
- Region VI – Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental
- Region VII – Bohol, Cebu, Negros Oriental
- Region VIII – Leyte
- Region IX – Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental
- BARMM – Tawi-Tawi
Sinabi ni Malaya na mayruon nang pakikipag-ugnayan ang mga nabanggit na lalawigan sa DILG regional offices at Philippine Statistics Authority.
“The PSA requested the DILG for assistance in securing a memorandum of agreement with various local government agencies,” ayon kay Malaya.
“Humihingi po kasi ang PSA ng MOA so that the different LGUs will give the necessary assistance in terms of pre-registration, the manpower requirement, in terms of transportation, in terms of crowd control as well as other logistical support,” paliwanag nito.
Inihayag pa ng opisyal na matutuloy ang mass registration para sa national identification (ID) system sa Oktubre kahit pa nasa gitna ng pandemya ang bansa.
“Tuloy-tuloy na po ito until we are able to initially register the five million re-registrants and five million registrants before the end of the year. The rest of the country will be done next year,” paliwanag ni Malaya.
Nilalayon ng national ID system na mapag-isa at maging episyente ang paggamit ng government ID para na rin sa mabilis na mga transaksyon.
Nakapaloob sa ID ang PhilSys number, buong pangalan, larawan ng mukha, kasarian, petsa ng kapanganakan, blood type, at address.