Mahigit 160,000 repatriated OFW’s, naka-uwi na

Nasa kabuuang 164,368 overseas Filipino workers o OFW’s ang na-repatriate na simula nang magpauwi ang Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Naitala ang nasabing datos mula February hanggang September 5.

Nitong nagdaang buwan ng Agosto, sinabi ng kagawaran na aabot sa 42,583 ang napauwing overseas Filipinos.

Sa kabuuang bilang na 164,368, 59,853 o 36.4 porsyento ang sea-based habang 104,515 o 63.6 porsyento ang land-based.

Dagdag pa ng naturang ahensya na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.

Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.