Mahigit 14,000 indibidwal, inilikas dahil sa habagat – NDRRM

Mahigit na sa labing-apat na libong mga residente sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang inilikas dahil sa mga pagbaha na dulot ng walang tigil na pag-ulang dala ng hanging habagat.

Ayon kay Mark Timbal, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, kinailangan ang mga pre-emptive evacuation partikular na sa Occidental Mindoro, Rizal at Marikina City upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

“Nagkaroon tayo ng ulat na 14,000 na katao na po ang nag-evacuate bilang pag-iingat sa posibleng pagtaas ng baha o pag-apaw ng ilog sa kanilang communities,” ayon kay Timbal.

Kasabay nito, siniguro ni Timbal na sapat pa ang relief goods na ipamamahagi sa mga apektadong pamilya.

Mayruon din aniyang aabot sa P849 milyong standby funds kung sakaling kailanganin ng mga lokal na pamahalaan ang dagdag na tulong mula sa national government.

Sa gitna pa rin ng banta ng Delta variant ng COVID-19, sinabi ni Timbal na nasusunod ang minimum health standards lalo na ang physical distancing at sanitasyon sa mga evacuation center.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.