Mahigit 100,000 PNP personnel, fully vaccinated na

Share this information:

Pumalo na sa mahigit 100,000 ang kabuuang bilang ng mga fully vaccinated na miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, sa kabuuang bilang ng PNP personnel, 57.97 percent o 131,326 na ang fully vaccinated habang nasa 36.2 percent o 80,809 naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Inihayag din ni Eleazar na may isang pulis pa ang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw dahil sa sakit at dahil dito, umakyat na sa 113 ang mga namatay sa COVID-19 sa hanay ng pulisya.

May naitala namang 197 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP ngayong araw. At dahil dito, ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 ay nasa 37,916 na, at kung saan 2,584 dito ay aktibong mga kaso.

Samantala, mayroon namang 224 na mga pulis na ang naitalang mga bagong gumaling sa sakit.

Sa ngayon, nasa 35,219 na ang total ng mga gumaling na pulis sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.