Magnitude 5.2 na lindol, tumama sa Davao Oriental

ISANG Magnitude 5.2 na lindol ang yumanig sa Davao Oriental, na naramdaman naman sa ilang karatig lugar sa Mindanao ngayong Miyerkoles ng umaga.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-4:37 ng madaling araw nang maitala ang pagyanig sa layong 103 kilometro ng bayan ng Tarragona, Davao Oriental.

May lalim ng 62 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ng mga residente ang Intensity IV sa Tarragona at Caraga, Davao Oriental habang Intensity III naman sa Manay, Davao Oriental.

Kung pagbabatayan naman ang instrumental intensities, naitala ang Intensity 2 sa Malungon, Saranggani at Intensity I sa Tupi, South Cotabato; at Nabunturan, Davao de Oro.

Hindi inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang lindol ngunit may mga naitala nang aftershocks.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.