Davao City, natukuyan na may 17 hinihinalang kaso ng sakit na Chikungunya

LABING-PITONG pinaghihinalaang kaso ng Chikungunya, o iyong virus na galing sa lamok na naisasalin sa tao, ang natukoy sa Davao City.

Ayon kay Dr. Annabelle Yumang, ang direktor ng Department of Health (DOH) Region 11, sa 17 suspected cases, tatlo ang kuwalipikadong sumalang sa testing at naisumite na rin ang specimen ng mga ito para sa pagsusuri.

Hinihintay na lamang aniya ang resulta na inaasahang lalabas sa susunod na linggo para makumpirma ang kaso ng Chikungunya.

Batay sa abiso ng World Health Organization (WHO), ang chikungunya virus infection ay nagreresulta ng lagnat, severe joint pain, muscle pain, pamamaga ng joints, sakit ng ulo, pagsusuka, pagkapagod, at rashes.

Severe cases and deaths from chikungunya are very rare and are almost always related to other existing health problems,” ayon pa sa WHO.

Nabatid pa kay Yumang na ang lahat ng suspected cases ng chikungunya ay gumaling na at hindi na kinailangang maospital dahil sa mild lamang ang naging sintomas.

Ipinaalala ni Health Secretary Francisco Duque III na makatutulong para makaiwas sa chikungunya infection ang mga katulad na hakbang sa pag-iingat laban sa dengue fever.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.