“Magna Carta” for seafarers, minadali – AMOR

MINADALI umano ng mga mambabatas ang pagpapasa sa Magna carta for seafarers sa kabila ng pagtutol ng karamihang seaman kaugnay sa “escrow provision”.

Ito ang inihayag ni Butch Elaba, pangulo ng Association of Marine Officers and Ratings, Inc. o AMOR kaugnay sa pagkakapasa sa ikalawang pagbasa ng naturang magna carta.

Nitong Marso 6, 2023, unang isinulong ng kamara ang bersyon ng Magna Carta for seafarers sa kabila ng ilang matinding oposisyon ng ibat ibang samahan ng seafarers partikular ang “escrow provision”.

Sa ilalim ng naturang probisyon, anumang monetary award para sa isang may sakit o namatay na seaman mula sa National Labor Relations Commission (NLRC) o ang National Conciliation and Mediation Board (NCMB), ay hindi agad makukuha ng nanalong seaman.

Ilalagay muna ang pera sa escrow account hanggat wala pang pinal na desisyon ang korte na kung saan ay matatanggap lamang ang benepisyo kung magkakaroon lamang ng final decision ng korte suprema, na umaabot mula 5 hanggang 10 taong pag hihintay.

“Sa tingin namin, Unconstitutional, Anti Labor at Anti Seaman ang escrow provision,” pahayag ni Elaba.

Napakabilis ng pagpasa nang House sa version nila. Hindi man lang pinansin ang mga opposition namin at nang iba pa. Minsan mapapaisip ka na na Railroad ang Magna Carta na yan,” giit pa nya.

“Kung mapasa yang escrow provision na yan ay dapat Magna Carta for the Manning Agencies ang itawag sa batas,” saad pa ni Elaba.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.