Maglive-in partner, tiklo sa P102M shabu

Nasamsam mula sa isang mag live-in partner na hinihinalang big-time drug pushers ang tinatayang P10.2 milyong halaga ng shabu kasunod ngbuy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ernesto Francisco alyas “Ikong”, 49 at Genelyn Mararac, 33, kapwa nasa watchlist ng pulisya.

Pinuri naman ni NCRPO chief P/BGen Vicente Danao Jr. ang Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Colonel Ortega dahil sa matagumpay na drug operation.

“Keep it up! There will be rewards and awards for those deserving personnel. Magtrabaho tayo ng tapat, may tapang, at malasakit. Huwag kalimutan ang ibayong pag-iingat sa pagseserbisyo,” pahayag niya.

Sa ulat ni Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Police Lieutenant Robin Santos sa bahay ng mga suspek sa Bautista St., Barangay Ugong.

Nagawang makatransaksyon ni Corporal Kenneth Marcos sa mga suspek nang magpanggap na buyer ng isang knot tied plastic ice bag ng shabu na nagkakahalaga sa P35,000.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer ay agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek.

Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 1.5 kilo grams ng shabu na tinatayang nasa P10,200,000.00 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang tunay P1,000 bill at 34 piraso boodle money, P15,000 cash, digital weighing scale, 3 cellphones, 3 wrist watch, isang pares ng gold earrings at 2 gold necklace.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.