Breaking News

Share this information:

BALIK-kulungan ang isang mag-live-in partner matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operartion ng pulisya sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLt. Joel Madregalejo ang mga naaresto na si Eduardo Angeles, alyas “Mayong,” 51 anyos, at Mary Anne Magno, alyas “Tadel,” 47 anyos, kapwa ng Area 4 Pinalagad, Brgy. Malinta.

Ayon kay SDEU investigator PSMSgt. Fortunato Candido, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr., ng buy-bust operation sa bahay ng mga suspek.

Nagawang makipagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu sa mga suspek at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P102,000, buy=bust money, P1,000, at isang pouch.

Sabi ng pulisya, dati nang naaresto ang mga suspek dahil din sa ilegal na droga kung kaya muli na namang mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: