Magka-angkas na umiwas sa Oplan Sita, timbog dahil sa ilegal na baril

Share this information:

Naaresto ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo  matapos itong magtangkang  iwasan ang checkpoint sa Bacoor, Cavite City.

Dahil sa kanilang pag-iwas, nadiskubreng mayroon silang dala-dalang baril at mga bala na sinikap nilang itago sa mga awtoridad.

Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act) ang kinakaharap nina Xander Cruz ,36 anyos, security officer, at Bryan Atienza, 29 anyos.

Nagsasagwa noon ng anti-criminality operation “Oplan Sita” ang Bacoor Police Station sa Tirona Highway, Barangay Habay 1 bandang alas 9:00 ng gabi nang parahin ang motorsiklo ng dalawang suspek.

Nagtangka itong umiwas ngunit nasakote sila ng mga operatiba.

Kumpiskado ang kalibre 45 baril, .9mm pistol at ilang mga bala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.