TODAS ang mag-tiyahin makaraang madaganan ng bumawal na puno sa kasagsagan ng pagdaan ng buhawi sa Fairview 2 sa Barangay Magang, Daet, Camarines Norte, Linggo ng umaga.
Nasa labas umano ang mga biktima dakong alas-sais ng umaga nang manalasa ang buhawi. Nagkubli ang babae at ang kanyang 13-anyos na pamangkin sa isang tindahan ngunit bigla na lang bumuwal ang isang malaking puno. Agad na nasawi ang dalawa.
Naging mahirap para sa mga awtoridad ang retrieval operation dahil sa laki ng punong bumuwal.
Ilang residente ang nakarinig umano ng malakas na tunog ng pagdaan ng buhawi na sinundan ng pagbagsak ng mga puno.
Nagpapatuloy pa ang clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensya ng gobyerno para tuluyang mai-alis ang mga bumagsak na puno.

