Lungsod ng Valenzuela, namahagi ng bala sa kapulisan ng siyudad

Share this information:

NAGBIGAY ng 25,000 rounds ng 9mm na mga bala ang pamalahaang lungsod ng Valenzuela sa mga miyembro ng Valenzuela City Police.

Ang paggagawad ng naturang mga bala ay pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sasa pagbubukas ng Modified Handgun Marksmanship Training na ginanap sa Punturin Firing Range, Brgy. Punturin Valenzuela City.

Peace and order sa lungsod ang isa sa mga prayoridad ng administrasyon ni Mayor Wes kung kaya nakatuon ang suporta niya sa mga programa sa kasalukuyan at hinaharap ng lokal na pulisya upang mapabuti ang kanilang kakayahan at kasanayan sa paglaban sa mga krimen at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Ang Valenzuela City Police, bilang isa sa pinakamagaling at mahusay na puwersa ng pulisya sa CAMANAVA, ay palaging katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng panuntunan ng batas sa lungsod.

Naniniwala ang punong lungsod sa kahalagahan ng partnership ng lokal na pamahalaan at ng kapulisan dahil hindi mapa-pamahalaan at maasikaso ang napakaraming problema o issues ng lungsod kung hindi maganda ang pagsasama at coordination ng Valenzuela city government at ng mga pulis.

Hindi po sapat ang monetary support na ibinibigay natin sa ating kapulisan dahil importante po ang training, lalong lalo sa mga grupong katulad ninyo, dahil hindi po natin alam kung kelan natin maeencounter ang various incidents natin. Kailangan po lagi tayong handa sa ating duty, kaya sana ay magamit ninyo at makatulong sa inyong training ang bullet support na ito kahit na hindi naman po ito ganun karami. Sana sa susunod ay lalo pa nating palakasin ang partnership natin,” pahayag ng alkalde.

Kasama din ni Mayor Wes sa ceremonial shooting sina Valenzuela City Police Station (VCPS) Officer-in-Charge PCol. Salvador Destura Jr., Liga ng mga Barangay President Councilor Jonjon Bartolome, at iba pang opisyal ng barangay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.