Lola at 2 pa, arestado sa P1.3M shabu sa Caloocan City

Share this information:

Mahigit sa P1.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang lola matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police chief Colonel Samuel Mina Jr., dakong alas-dos ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa Barangay 33, MayPajo matapos ang higit isang linggong validation.

Nagawang makabili sa kanilang target na si Venancia Malonzo alyas “Madam”, 60-anyos, (watchlisted) ng isang undercover police na nagpanggap na buyer ng P40,000 halaga ng shabu.

Nang iabot ni Malonso at ng kasama nito na si Mark Adao, 37, (watchlisted) ang isang medium plastic sachet ng shabu sa buyer kapalit ng marked money ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 180 gramo ng shabu na tinatayang nasa P1,224,000.00 ang halaga, marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 39 piraso boodle money, sling bag, at cellphone.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni Colonel Mina dahil sa matagumpay na anti-drug operation na nagresulta sa pagkaka-aresto sa mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.