Lockdown posible kapag napuno na ang mga ospital ng COVID-19 cases – NTF consultant

Share this information:

HINDI umano maiaalis ang posibilidad na maibalik ang implementasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) kapag napuno na ng mga kaso ng COVID-19 ang mga ospital at temporary treatment facilities.

Babala ito ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) consultant Dr. Ted Herbosa sa gitna ng patuloy na pagsirit ng mga kaso ng tinamaan ng virus infection.

Paliwanag ni Herbosa, kung masyadong mataas ang occupancy rate ang health facilities o maraming pasyente na hindi kayang maasikaso agad, may posibilidad na marami ang masawi.

“Usually babalik tayo sa MECQ kapag napuno ang ating mga ospital at mga temporary treatment facilities,” pahayag ni Herbosa.

“When hospitals are full, more people may die because they cannot treat them. They are waiting in line for admission,” dagdag nito.

Sa mga nakalipas na araw, ramdam na sa ilang malalaking ospital sa National Capital Region ang epekto ng pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa Quezon City General Hospital ay lagpas na sa full capacity ang COVID-19 ward beds nito nuong Marso 9 pa lamang. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.