POSIBLE umanong may nangyayari nang local transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa OCTA Research Group.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research na batay sa statistics at naoobserbahan nila, tumataas ang kaso ng Delta variant sa bansa.
“Base sa statistics, malaki na ang posibilidad na talagang hindi lang may local transmission ,may wide spread local transmission,” ayon kay Guido.
Pero, nilinaw nito na hindi naman niya sinasabing totoo kundi sinasabi lamang niya na malaki ang posibilidad dahil tumataas ang porsyento ng sampling ng Delta variant.
Aniya, 26 percent lamang ang dating sequencing pero ngayon ay umabot na sa 30 percent.
Ayon pa kay Guido, ibig sabihin lamang aniya na 3,000 ang kaso ng Delta variant nitong Sabado.
Kaya naman aniya, napapanahon ngayon ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Metro Manila para mapigilan ang lalo pang pagtaas ng mga kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Dagdag pa ni David, kung hindi aniya maipatupad ang ECQ ay baka tataas pa ang kaso at umabot pa ng 15,000 kada araw.
‘Ito na kinakatakutan natin na talagang tataas ang bilang ng kaso at timely na yung ating pag impliment ng ECQ kasi kung hindi natin ma-impliment yan , tataas pa yan baka umabot pa yan ng 15-k,” ayon pa kay Guido

