Breaking News

Share this information:

NANINIWALA ang isa sa mga health expert ng gobyerno na posibleng may nangyayari nang local transmission o hawaan ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, kung pagbabatayan ang mga kaso ng COVID-19 na naisa-dokumento ng Philippine Genome Center (PGC) ay maaaring hindi na lamang may kaugnayan sa returning Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tinamaan ng mas nakahahawang variant ng virus.

I would speculate that based on the cases na na-document ng PGC, there are those cases na hindi related doon sa returning OFWs so there are what we call local cases and with that demographic, then I would say mukhang merong local transmission ang Delta variant,” ayon kay Solante.

Gayunman, tiniyak ni Solante na nananatiling mabisa sa mga variant Alpha, Beta at Delta ang mga bakuna laban sa COVID-19 na ginagamit ngayon sa bansa.

Sinabi pa nito na ang mga indibidwal na nakakumpleto ng bakuna ay mas mababa ang banta ng Delta variant.

Tumanggi naman ang Department of Health (DOH) na magbigay ng kumpirmasyon kung mayroon nang local transmission ng Delta variant.

When we say it’s local transmission, there is already linkage among these individuals who we have detected [with the] Delta variant,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa ngayon po, we are yet to determine that so hindi pa po kami nakakapag-pronounce na may local transmission tayo,” dagdag nito.

Aabot na sa 35 Delta variant cases ang naitatala sa Pilipinas at 11 sa mga ito ay itinuturing na local cases. Walo pa sa mga kaso ay aktibo o patuloy na nagpapagaling.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: