Lisensya ng drayber ng SUV na sumalpok sa bangko sa QC, sinuspinde ng LTO

SIYAMNAPUNG araw na suspendido ang lisensya sa pagmamaneho ng motoristang nasangkot sa pagsalpok ng SUV nito sa isang bangko sa Quezon City na ikinamatay ng isang indibidwal at ikinasugat ng anim na iba pa nuong Disyembre 28.

Nagpalabas na din ng show-cause order ang Land Transportation Office (LTO) sa may-ari at drayber ng SUV at pinagsusumite ang mga ito ng written at notarized na paliwanag kung bakit hindi dapat mapanagot sa insidente. Tinaningan ang dalawa hanggang sa Enero 10.

Failure to appear and submit a notarized affidavit at the above-stated time, day, and place shall be construed as a waiver to be heard and controvert the allegations against you, leaving this Office to resolve the case administratively based on the available records,” saad ng show cause order.

Ayon sa LTO, hiwalay ang kanilang pagsisiyasat sa isinasagawa na rin ng Philippine National Police (PNP) sa layong matukoy ang administratibong pananagutan ng drayber o may-ari ng sasakyan.

Batay sa kuha sa CCTV, ilang beses umanong sumalpok sa bangko ang SUV na ikinamatay ng isa sa mga kliyente at ikinasugat ng anim na staff ng establisyimento.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.