Breaking News

Share this information:

IKINASA nang masimulan sa Nobyembre 15 ang pagsusubok o pilot implementation ng limitadong face-to-face classes sa ilang piling eskuwelahan sa bansa sa gitna ng nararanasan pa ring pandemyang dulot ng COVID-19.

Inihayag iyan ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

“We start on November 15, the face-to-face classes and tinaon po natin doon sa pilot schools, tinaon po ‘yan natin sa umpisa ng academic quarter two ng ating school calendar,” ayon kay Malaluan.

Batay sa timeline ng DepEd, tatakbo ang limited face-to-face classes hanggang Disyembre 22 at magkakaroon ng assessment. Posibleng matapos ang pilot study sa katapusan ng Enero ng susunod na taon.

Matapos ng pagsusubok ay magkakaroon ng ebalwasyon at pagtutukoy ang DepEd ng mga eskuwelahan na pupuwede pang maisama sa pilot test, magkakaroon ng site inspection, dry-run bago isumite ang panukala kay Pangulong Duterte sa Pebrero 2022.

Sakaling maaprubahan ng Pangulo ay plano ng DepEd na simulan ang expanded pilot run ng face-to-face classes sa Marso 7. Batay sa aprubadong plano, sakop ng pilot test ang 100 pampublikong eskuwelahan at 20 pribadong paaralan kasama ang mga estudyante ng Kindergarten hanggang Grade 3.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: