Breaking News

Share this information:

BAGSAK sa kulungan ang limang hinihinalang drug personalities matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jonathan Dizon alyas “Boxer,” 27 anyos, Vincent Golondrina, 26 anyos, Rozyl Gelloagan alyas “Pango,” 29 anyos, Ronald Velasco alyas “Dimple,” 44 anyos at Ma. Cristina Avellana, 34 anyos, pawang mga residente ng lungsod.

Ayon kay PMSgt. Randy Billedo, may hawak ng kaso, dakong alas-10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa Valdez Street, Brgy. Catmon.

Nagawang makabili ng isang undercover police na nagpanggap na buyer kay Dizon at Golondrina ng P500 halaga ng shabu.

Nang tanggapin nina Dizon at Golondrina ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba, kasama ang tatlo pang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 13.6 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P92,480 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: