Lima, patay; lima sugatan sa sunog sa Parola, Tondo

Share this information:

Lima ang iniulat na patay sa naganap na sunog sa kasagsagan ng kasarapan ng tulog sa 662 Area F, Gate 20, Parola Compound, Tondo, Maynila magha=hating gabi  ng Sabado.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga nasawi na sina Jake Loyola, 37 anyos;  Noah Loyola, 3 anyos;  Richard Tigas; 10 anyos;  Kiefer Loyola, 8 anyos, babae; at  Jeric Tigas, 12 taong gulang.

Sugatan naman ang limang iba pa na sina Cyrus Frank, 9 taong gulang na nagtamo ng  2nd-degree burn;  Sonny Boy Jovita, 23 anyos; Rea Adriatico, 37 anyos; Rodulfo Cadigal Jr., 44 anyos; at  Marbin Alperes, 45 anyos, na kapwa nagtamo ng mga sugat.

Napag-alaman na  nagsimula ang sunog bandang alas 11:53 ng gabi sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya ni Jake Loyola.

Gawa umano sa kahoy ang bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy na gumapang sa iba pang kabahayan.

Umabot ang sunog sa ika apat na alarma dahilan para ma-trap at hindi na makalabas pa ang mga nasawi sa sunog.

Nasa 600 pamilya naman ang  nawalan ng tirahan sa sunog na idineklarang fire out pasado alas 6 ng umaga ng Linggo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Gur Lavi Communications to distribute Call2Teams in PH, SE Asia

Sun Feb 21 , 2021
Gur Lavi Communications, a fast-growing telecommunications distributor in the Philippines, announced its partnership with Qunifi to provide Call2Teams™ – the world’s easiest way to voice-enable Microsoft Teams, a communications platform developed by Microsoft as part of its Microsoft 365 lineup of products. “It is exciting to be working with the innovative […]

Follow Us

%d bloggers like this: