Lalaking inakusahang nanghipo sa loob ng bus, timbog sa I-ACT

Share this information:

ISANG lalaki ang diretso sa kalaboso nang hulihin ng mga ahente ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) matapos itong akusahan ng isang babaeng pasahero ng panghihipo sa loob ng kanilang sinasakyan na bus kaninang madaling araw sa EDSA busway.

Pinalagan ng babaeng pasahero ang kahalayang ginawa ng lalaki sa gitna ng kanyang paglalakbay.

Kaagad nagsuplong ang babae sa mga ahente ng I-ACT na kaagad namang sumaklolo at agad na tinungo ang naturang bus kung saan naabutan ng mga ito ang lalaki at dinala sa pinakamalapit na presinto pati na ang kanyang biktima.

“Katapat ninyo ang I-ACT,” ang patuloy na mensahe ng Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng mga pasahero, lalong-lalo na sa oras ng kagipitan at sakuna.

Paalala muli ng I-ACT sa publiko na maging mapagmasid at agad na mag-sumbong sa I-ACT anumang oras kung mayroong mapapansing mga taong mapagsamantala sa kanilang kapwa pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.