Breaking News

Share this information:

MAGKASABAY na naghain ng kani-kanilang kandidatura para sa May 9, 2022 presidential at vice presidential race ang magka-tandem na sina Senator Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III nitong Miyerkules.

Dakong alas-11:00 ng umaga nang magtungo sina Lacson at Sotto sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Harbor Garden Tent sa Hotel Sofitel sa Pasay City upang isumite ang kani-kanilang Certificates of Candidacy (COCs).

Si Lacson ay tatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng Demokratikong Reporma Party (Reporma), na nagtalaga sa kanya bilang chairman noong Hulyo.

Si Sotto naman ay kakandidato sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC), kung saan siya rin ang nagsisilbing chairman.

Bago maghain ng COCs, dumalo muna sina Lacson at Sotto sa isang banal na misa na idinaos sa isang basketball court sa loob ng compound ng Senado.

Matatandaang Setyembre 8 nang pormal na magdeklara ng kanilang kandidatura ang dalawang senador. 

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: