DUMATING sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang labi ng overseas Filipino worker (OFW) na natagpuan wala ng buhay sa kanyang silid .
Natagpuang patay sa loob ng kanyang silid sa Abu Dhabi si Mary Jill Muya noong Disyembre 31, 2025
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) mula sa NAIA ililipad si Mary Jill, papunta sa kanyang tahanan sa lalawigan ng Iloilo.
Tinitiyak ng OWWA at Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy ang koordinasyon at pagbibigay ng kaukulang tulong sa pamilya ni Muya sa gitna ng pagdadalamhati ng kanyang pamilya.
Nanindigan ang ahensya sa pagbibigay ng malasakit, suporta, at tulong sa mga OFWs at kanilang pamilya, lalo na sa panahon ng pangangailangan.

