“Kush” na nagkakahalaga ng P2.53 milyon, nasabat sa Clark

TINATAYANG aabot sa P2.53-milyon halaga ng high-grade marijuana o “kush” ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang shipment sa Port of Clark sa Pampanga kamakailan.

Ayon sa BOC, napaghinalaan ang parcel na unang idineklarang may lamang mga damit panlalaki mula sa Kentucky, USA.

Isinailalim sa X-ray inspection ang shipment saka ipinaamoy sa K9 sniffing dogs, na nagpakita ng indikasyon na may laman itong ilegal na droga.  Dahil dito, isinailalim sa physical examination ang parcel kung saan bumungad ang ilegal na droga.

Nakapaloob sa selyadong mga bag ang mga marijuana na agad ipinadala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa chemical laboratory examination, kung saan nagpositibo ito na ilegal na droga.

Naglabas na ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC sa parcel dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.

The Port of Clark remains vigilant against various drug smuggling attempts and this recent accomplishment is a testament that we are consistent in fulfilling the mission of the Bureau of Customs to strengthen border security,” saad ni District Collector Elvira Cruz.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.